Thursday, July 16, 2009

My Side of the Story

Joma and I met way back 1998. I have just graduated from the Lipa CIty Science High School where she is an incoming freshman on the same year. It was just a casual meeting at first, I recognized that she's pretty but I don't know if it is possible na maging kami (kasi nga medyo mas matanda ako sa kanya). Ganun lang nangyari, I was not very lucky to pass any of my Manila Entrance Exam. Nakakainis kasi most of my friends will study there while I will be left here sa Batangas. Inisip ko na lang there must be a reason bakit kelangan di ako umalis. So sa kawalan ng mga gimikan dito sa Batangas nawili na lang ako na lagi dumalaw sa high school namin. Kamusta sa mga teachers and mga inabutang students, ganun lang ng ganun. Then nung 1999 I had the chance to meet Joma again, I must admit ganun pa din yung paghanga ko sa kanya. Ang cute-cute nya at ang ganda ganda nya. Parang tumitigil at bumabagal ang mundo pag nakikita ko sya. As in parang something is controlling me to notice her in a very different way. Parang sinasabi saken " look o ganda ng lips nya, look o ang puti nya, look o ang sexy nya". Days passed and di ko sya makalimutan. Balita ko pa she's very mabenta sa school nung mga panahon na yun. Ang dami dami nagkakagusto at galing Canossa pa kaya medyo hard to reach. As far as I can remember It was just weeks before we finally got the chance to say our first hi and hello. I actually ask for her name and she gave it like answering a recitation, ayos complete pati surname at middle initial pati nickname. Kakatuwa nga kasi parang ka-weird, pero sa sobrang ganda nya nun di ko na inisip na nakakatawa yung ginawa nya, ngayon na nga lang sarap pagtawanan pag naaalala namin. Then one day pumunta ako sa school nya and nakita ko may hawak syang cellphone ( korteng sabon pero in-na-in yun nung unang panahon),bihira lang may cellphone nun kaya na-amaze ako sa kanya. Then yun pala tinakot nya tatay nya na lilipat na ulet sya ng Canossa pag di sya binilhan ng cellphone. E di ganun nga, ako naman kahit wala akong pera eh bigla naman inalok ako ng isa kong pinsan ng cellphone at walang pag-aalinlangan binili ko para matext si Joma. Nakuha ko number nya sa manliligaw nyang mayaman na walang kamalay-malay na gusto ko na din manligaw. Una nagtext ako sa kanya, nagpakilala tapos ask ko age nya, aba text ba naman saken eh ako daw muna, e di sinabi ko age ko tapos sinabi nya 15 na sya. Natuwa ako kasi matanda na pala sya, ang di ko alam she had just turned 13 , talagang hinabol lang nya age ko para di ako mailang. Wais talaga yang si Joma eh. So we were text friend for a few weeks kasabay na din yun ng mga sulat na pinapaabot ko sa sister ko na ahead naman sa kanya, di nga sila magkasundo at first kasi pareho silang mataray, pero nagkasundo din naman after ilang taon.So basically yun yung simula ng love story namin. What happens next is the ligawan proper, I was so into her na mga bandang August 1999 pero di pa kami, I call her sa house nya everyday, I write letters everyday, text etc... Tapos nung mga bandang September na, that was rainy season, matindi ulanan noon. Nasa F-mall kami ng friend ko, medyo gabi na at magkatext ata kami ni Joma. Biglang pumasok sa pupunta ako sa kanila ang usapan. After 30 minutes nasa house na nila ako. Kuya pa pakilala saken ng umbe kong yan. Ang sabi ko naman " nakikisilong lang po". hehe. That was the first time na nakita ko sya nakapambahay, ang ganda-ganda nya at ang sexy sexy, kakatuwa. Everybody sa kanila eh mababait, they welcomed me na parang classmate lang ni Joma. Si Yconne kataba na, si Kiko parang tyanak ang liit liit pero nagsasalita na ang dami agad secret na sinabi saken. Yung September rain na yun din inspiration sa nasulat kong kanta para sa kanya. After ng September, sinagot na nya ako ng October 28, 1999. Parang ang bilis noh, pero grabe naman as in inaraw-araw ko naman talaga ligaw sa kanya. 24/7 sked namin, text till drop pa term namin. That date should be the happiest moment of my life ng mga panahon na yun. Heaven ang feeling talaga, ang ganda-ganda ng gerpren ko eh. Dami di makapaniwala ng mga panahon na yun. Suntok sa buwan nga eh. They said I'm very lucky to have her, pero I believe I truly deserved her and that we are really meant to be.---- First date: Sa Caedo, di sanay magbyahe ang umbe ko kaya lagi nagsususka. Ang cool pa wala kaming pera buti na lang at bente lang ata sine nun. Oo di ko sya kiss sa sine kasi mabait ako. Pero hinawakan ko naman kamay nya kasi di na ako makapagpigil. Dun pa lang sa meeting place namin grabe super wow na ako sa sobrang pretty nya that day naka doll shoes pa sya, pag naalala ko ang araw na yun naaalala na napakaswerte ko sa kanya. First kiss: Leche nahuli pa ata kami ni Yconne eh. ayun nag-iiyak at nagpaliwanag pa kami kala ata ni nirerape ko kapatid nya. funny talaga. Buti pa si kiko happy pa pag nahuhuli kami, lagi lang sasabihin nyan bakit amoy palamig dito. hehe-----So ang hirap na i-breakdown ng details ng 10 years namin kasi araw-araw talaga kami magkasama nyan, siguro kung di man kami magkita nyan pinakamatagal na ang 2 days at minsan lang yun, o kaya naman nagtrip abroad sya kaya kahit ano gawin ko di kami magkikita. Lahat na siguro napagdaanan namin, may masaya, may malungkot, may magulo, may nakakaiyak, may nakakatawa, pero mas madaming bagay kami pinagkakasunduan kaya siguro kami nagtagal. We are also very strict with each other, dun kami nagkapareho kaya nagtagal din kami. Ang dami iba samen ni Joma, napakahilig ko sa sports, minsan sinama ko sya sa inter-brgy na basketball aba bigla umuwi at na-bored daw. Di ba while some girls go crazy about their baller guy she on the otherhand can't find anything exciting about it. What she likes naman eh magswimming while ako naman di ako marunong magswimming. Over the years we were able to adjust na sa mga likes and don't likes namin. Ngayon pag nasa Timezone kami aba basketball nilalaro nyan while ako naman pag bakasyon I crave for sand and beaches para magswimming. We are a happy couple, I like magpatawa and magjoke while sya naman she seems to find happiness in laughing. Parang nung nakilala ko sya biglang there is someone listening to my non-sense and is really getting something worthwhile from it. Medyo mahaba pa to kasi 10 years nga kami, ano pa ba? She's right when she mentioned that nung nag-college sya sa UST eh nagresign ako sa work ko to follow her. I just have this feeling that I have to do it or else I'll be very sorry. Aba ang Joma enrolment pa lang may naporma na. It was the "low" years for me kasi naku pag nakita mo mga suitors nyan at mga nagpapacute parang matindi ang laban. May matalino, may varsity, may drummer, may gwapo. Well in the end gwapo pa din ang pinili nya. hahahaha. Tama na yung part na yun kasi that was the years that I felt I was really competing, staying alive, innovating para magtagal relationship. I don't know what I did na very significant but we manage to stay together naman ng mga panahon na yun. Tapos nung nagwork na sya sa Makati magkalapit na kami. Tinopak nagresign, bumalik ng Batangas, so ako naman kahit ok na work nagresign din at buti na lamang at sa Nestle napunta. Ayaw na ayaw ko mapapahiwalay sa kanya. kahit mga abroad pa ang mga opportunities ko di talaga ako nagbalak umalis kahit minsan. Alam ko di ako magiging happy pag di ko sya kasama. Ang haba talaga ng story namin noh? Ang dami pang mga pwd ikwento pero sige try ko ng tapusin. So yun nga after college nya we started to take seriously our then just dream type of talks about getting married. We already had enough for a simple wedding so it's very easy na. Bigla ko naalala na nung mga unang buwan pa lang namin sabi ko sa kanya kung kelan ba kami papakasal? She answered like parang imposible " after 10 years", well yun nga nagyari grabe saktong sakto pa. Kahit ang INA yun din ultimatum saken na para bang dati eh di pwd maging kami. Eh napakamasunurin ko kaya yan after 10 years wife ko na sya. Eto pa 10 years ago may mga pangalan na ang mga babies namin, pero di ko na sasabihin kasi baka magaya pa eh sobrang ganda kaya ng mga naisip namin. Well, sana makwento ko pa mga iba pa namin kwento, like our travels na puro takas, like yung nag-antay kami ng sunshine sa manila bay, ang dami dami talaga kwento and sana kung makwento ko, pero saka na o kaya pag may nagpakwento na lang. Pag may mga gusto pa kqayo malaman tanong nyo na lang sa kanya.

No comments:

Post a Comment